Thursday, March 29, 2012

Ukala

Various Covers Rendition of Ukala by Alfredo Alcala



Ukala (Ang Walang Suko) by Alfredo Alcala
Pilipino Komiks Cover Issue No.126 March 29 1952


Unang Labas






Jay-Em Cinco Collection
For Inquiry email at jm5_1227@yahoo.com

7 comments:

  1. Steve, Jayem,
    A classic. Thanks for posting.
    Rod

    ReplyDelete
  2. Mas maganda at nakahihigit itong gawa ni Alcala kaysa sa gawa ni Coching nuon ... pero sa huli ay mas mabilis ang degeneration ng mga gawa nitong si Alfredo kaysa kay Francisco.

    Ito ang hindi ko maintindihan sa maraming mga artists, bakit habang tumatagal at sa huli ay bangag na ang mga gawa nila ... isa na rin dito ay si Juan Luna, pangit na ang huling mga painting nito. Parang inabot na ng mga artists na ito ang kanilang limit at pagkatapos ay pabulusok paibaba.

    Bihira lang ang mga artists na habang tumatanda ay lalong gumagaling ang mga gawa. Sabagay walang taong bumabata habang lumilipas ang panahon kaya ang mga gawa nila ay tumatanda rin kasabay ng pagtanda nila.

    ReplyDelete
  3. Ginoong Anonymous,
    Tama ka sa ilang parte. May mga artist akong alam na napakabilis nang degeneration pagkatapos nilang magawa ang maaring matawag na obra-maestra nila. Isa na rito si Noly Panaligan na matapos niyang gawin ang Payaso ay tila bumulosok ding paibaba ang trabaho. Isa pa'y si Amado Castrillo na hindi na niya matularan ang gawa niya sa Graciela. Nguni't sa Payaso ni Panaligan at Ukala ni Alcala ay sila rin mismo ang author o nobelista ng naturang mga komiks. Kaya siguro pinagbutihan nila. Si Coching ay siya rin mismo ang nobelista sa halos lahat na kanyang dinibuho,kaya sa tuwi-tuwina'y napakagaling ng kanyang trabaho, lalo na yung mga unang labas. Itong komiks yata ang isa sa pinakamahirap na trabaho para sa isang artista: una'y ang daming frames na dapat gawin, pangalawa sunuran ka lamang sa kung ano and sinasaad ng script ng nobelista, at pangatlo, may mga hinaharap kang deadline. Ang nabalita kay Alcala ay isa siya sa pinakamabilis na dibuhista, kaya siguro nag-degerate and arte niya, dahil sa dami ng tinatanggap niyang trabaho. Hindi ko alam kung bakit tinanggap niya ang daily strip ng Spiderman na kung saan talagang napaka-pangit ng gawa niya, ang masasabi ko'y sumobra ang trabaho sa kaya niyang tapusin. Maaring ito ang iniisip mo nang banggitin mo ang mabilis na degeneration ni Mang Pidong (alam ko din na ikaw ang nagpatuloy ng Spiderman). Ngunit sa ibayong dako naman, sa tingin ko ang Voltar, ay isang obra-maestra na siya ang may katha't guhit. Kaya kung talagang gugustuhin niyang pagandahin ay magagawa niya.
    Rod

    ReplyDelete
  4. Hindi ako ang nag-drawing ng Spiderman pagkatapos ni Alcala.... wala pa rin akong nakitang drawing na Spiderman ni Alcala.

    Pero bakit itong painter na si Juan Luna at iba pang mga comics artists na pinoy na hindi naman mga nobilista ay ang papangit na ng mga gawa nila sa huli, kasama na dito ay itong sina Ernie Chan at si Thor Infante? Creative degeneration ba o mental degeneration dahil tumatanda na sila? O matitigas lang talaga ang mga ulo nila at ayaw ng magbago at sumabay sa pagbabago ng panahon?

    Sabagay ugali ng tao na akala niya ay magaling siya at alam na niya ang lahat, pero bukas-makalawa ay hindi niya alam na iyon pala ay naiwanan na siya ng panahon. Para ba iyong China nuon ... akala ng bayan ito na siya ang pinaka-superyor sa lahat ..... isinara nito ang bayan niya para hindi makapasok ang mga estranghero, pero sa huli at pagbukas niya ay kulilat na pala siya kung ikumpara sa ibang mga bayan.

    Itong creative degeneration ay ang pinakamalaking problema ng mga artists ... ang dahilan nito ay ang gawang paulit-ulit na walang pagbabago na naging habit ng mga artists na ito .... sa huli ay degenerate ang mga gawa nila.

    ReplyDelete
  5. Walang perfecto pagtumanda ka. Siyempre mababawasan ang galing mo. Gaya ng boksing, ngayon magaling ka pero pag tumanda ka di na mo dala ang galing mo noong bata ka pa. Common sense lang. Ganon din sa pagdrawing, either nababawasan o na d-distort habang tumatagal

    ReplyDelete
  6. Hindi puwedeng ikumpara ang boksing sa drawing.

    Sa boksing ay pagsasanay, lakas ng katawan at suntok ang mga kailangan, samantala sa drawing ay pagsasanay rin at fuersa ng creativity ng utak; iyong una ay physical, samantala iyon pangalawa naman ay mental.

    Humihina ang katawan sa pagtanda kaya iyong mga boksingiro ay hindi na puwede sa boksing. Meron mga artists naman na humihina rin ang mga utak dahil sa katandaan at mga sakit sa physical kaya hindi na rin sila puwede sa drawing.

    Pero walang boksingero na habang tumatanda ay gumagaling sa boksing, samantala ay maraming mga artists na habang tumatanda ay gumagaling ang mga gawa nila. lumalabas na hindi malaking factor ang katandaan sa drawing.

    ReplyDelete
  7. Ginoong Anonymous #1,
    Ala, e, dalawa pala ang Anonymous dito. Akala ko'y ikaw na nga yung hinala kong siyang nag-nagdrawing ng Spiderman pagkatapos ni Alcala, mali pala ako. Ngayon talagang hindi ko na alam kung sino ka, hahaha.
    Rod

    ReplyDelete